Habambuhay na pagkakakulong ang hatol ng Makati City Regional Trial Court (RTC) Branch 63 laban sa isang Mexican, na pinaniniwalaang bigating miyembro ng Sinaloa drug cartel, na naaresto noong 2015.

Guilty sa kasong droga si Horacio Herrera, nasa hustong gulang, umano'y ikatlo o ikaapat sa matataas na miyembero ng Sinaloa drug cartel.

Bukod sa hatol, pinagbabayad si Herrera ng korte ng P500,000 hanggang P10 milyong multa.

Sa record, nalambat ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Philippine National Police-Anti-Illegal Drugs Special Operations Task Force (PNP-AIDSOTF) ang suspek sa buy-bust operation sa isang hotel sa Makati City noong Enero 2015.

National

Balita, isa sa 'most trusted tabloids' sa bansa—survey

Dinakma si Herrera nang bentahan nito ng P12 milyong halaga ng cocaine ang poseur-buyer.

-Bella Gamotea