HINDI maipagkakailang malapit na talaga sa isa’t isa ang mga bida ng upcoming GMA primetime series na Kara Mia.

IMG_3027 copy

Lalo pang tumibay ang friendship nina Barbie Forteza, Mika dela Cruz, Jak Roberto, at Paul Salas dahil ratsada na sila sa pagte-taping ng serye na malapit nang mapanood sa GMA Telebabad.

“Sabi ko nga po ite-text ko na si Jak (Roberto), ‘Jak, wag mong iiwan si Barbie sa akin baka kami magkatuluyan’. Kasi kahit may mga regional shows na overnight, kami ‘yung magkasama sa kuwarto kaya sobrang close na namin,”kuwento ni Mika.

Tsika at Intriga

Pananakit ni Jam kay Jellie, dahil sa simpleng 'di pagkakaunawaan

Nag-record na rin sina Barbie at Mika ng kanilang version ng original theme song ng Kara Mia na may pamagat na Pag-ibig Mo.

“Very relatable ‘yung lyrics at nakakakilig ‘yung tono, kaya for sure magugustuhan ng mga tao,” sabi ni Barbie.

Bukod pa riyan, nag-record din ang The Clash champion na si Golden Cañedo ng isa pang Kara Mia official soundtrack.

Kaya naman marami na ang nag-aabang sa pag-ere ng Kara Mia, na malapit nang mapanood sa GMA7 Telebabad sooner than soon!

-Mercy Lejarde