MULING magpapamalas ng husay ang Pinoy fighters sa pagsabak ng Team Philippines sa World Muay Thai Fed ( WMF ).

Kakatawanin ang bansa ng Kickboxing Association of the Philippines ( KAP), Inc., at International Amateur Muay Thai Fed - Philippines (IAMTF-PHIL) Inc.

Ang delegasyon ay pangungunahan nina Acting Vice Governor ng Aurora Province Atty. Christian M. Noveras at ni WMF - Philippine National Representative Rolando R. Catoy. Sasamahan sila nina Wilson R. Oropilla bilang team manager, Edgardo M. Geneta, Asst Team Manager,P.R.O.Teodoro R. Oropilla III at Gabriel G. Nadiahan.

Magsisilbing coach si Allan B. Visperas ng Aurora Province at trainer si Edwin S. Aliong ng La Union.

Romualdez, pinasalamatan tennis player na si Alex Eala

Ang mga pambato ng Pilipinas ay sina Arjay G. Visperas sa 48kgs mens cadet, Marc Antoni G. Cabacungan ng 63.5kgs, Jervin Tuason 67kgs, Roldan Jameson O. Lingbanan, Athlete mens 70kgs at Ronald Arthur C. Davies 75kgs.

Sa nakalipas na edition sa Bangkok, Thailand, nasungkit ni Visperas ang gintong medalya laban kay Russian Ivan Yemelynov.

Nakapag uwi rin ng bronze medal si Peter Mark Bayaras ng talunin ang taga Myanmar sa mens 60kgs sa pamamagitan ng referee stop contest subalit yumuko naman sa Russian sa sumunod na laban.

Ang torneo ay inorganisa ni WMF president Lt Gen Akachai Chantosa at inernational Sec Mohammad Jalali ng Iran at inaasahang lalahukan ang torneo ng may 50 miyembrong bansa ng WMF.