MAY sagot ang Filipino Taekwondo Olympian at former action movie icon, na ngayon ay Congressman ng Makati na si Monsour del Rosario tungkol sa opinyon ni Erik Matti hinggil sa pagbagsak ng Local Film Industry at sa nakalulungkot na kalagayan ng Filipino film industry ngayon.

May tatlo siyang punto: “Naaalala ko nu’n, siguro 18 years ago, nag-start na bumagsak ang film industry - una dahil na rin sa piracy. ‘Yung ilan sa ating mga kababayan, s’yempre sa halip na manood sa sinehan, bibili na lang sila ng DVD sa mas murang halaga at paulit-ulit pa nilang mapapanood. Kaya hindi mo rin sila masisi.

“Pangalawa, mataas talaga ang taxes na binabayaran ng mga producers. So imagine mo, mag-invest ka sa isang pelikula tapos ‘di ka rin sure if maghi-hit. So bumabagsak ang kalidad ng mga pelikula. Dati uso pa ‘yung mga action films pero ngayon wala nang gustong mag-produce gaano kasi mahal— mahal ang magpasabog, mahal magpasara ng kalsada, mahal ang bala at mahal din magbayad ang mga stuntman, kaya nawala na rin ang mga aksyon.

“Kaya ngayon halos pare-parehas na lang palabas - puro love-story, drama, comedy. Wala nang variation. ‘Di mo masisisi ang mga tao if maghanap sila ng kakaiba.”

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

Dagdag pa niya, “Pangatlo, halos na-monopilize na ng mga malls ang pagpapalabas ng mga sine. Dati may maliliit na independent movie houses. Halimbawa - dito sa isang sinehan puro mga drama, dito naman sa isa, puro mga aksyon o comedy.”

Sinabi pa niya na maraming mga artista ang masyadong mataas magpresyo. Ito naman ang kanyang advice: “Kailangan talagang gumawa ng paraan upang solusyunan ang mga problema na ito. Bilang mambabatas s’yempre may mga priority tayo - unang-una para sa ating mga nasasakupan, pero tinitingnan din natin kung anong p’wede nating maitulong para ibalik ang sigla ng local film industry.”

Kasalukuyang tumatakbo bilang Vice Mayor ng Makati ang dating action movie icon, at abala siya sa mga tungkulin niya sa kanyang lokal na distrito.

And take note, up close and personal ay nasabi ni yours truly kay Monsour nito lang Sabado ang mga katagang, “ang tikas pa rin ng tindig mo…ng iyong pangangatawan. Puwedeng balik-action star ka, sa totoo lang.”

‘Yon na. Wa kyems!

-MERCY LEJARDE