Balik-selda ang dating nakulong sa carnapping makaraang magpanggap na pari.

PARI

Nakasuot pa ng vestments at may ID mula sa isang Apostolic Catholic Devine Holy Trinity nang arestuhin si Marlon Ponterez sa Tondo, Maynila, nitong Linggo.

Ayon kay Police Supt. Reynaldo Magdaluyo, station commander ng Manila Police District (MPD) Station 1, modus operandi ni Ponterez na magtungo sa iba’t ibang lugar at pilitin ang mga tao na kunin ang kanyang serbisyo kapalit ng kaukulang halaga.

National

First Family nagbakasyon sa Suba Beach, Ilocos Norte sa Huwebes Santo

Gayunman, naghinala sa kanya ang mga residente nang mapansin na ang nakolektang "donasyon" ay inipit sa Bibliya.

"One of the complainants said that the suspect forced him to have his newly-built house blessed for P1,000," sabi ni Magdaluyo.

Kalaunan ay inamin ng suspek kay Magdaluyo ang kanyang modus at ipinagtapat na mayroon siyang grupo na gumagawa ng naturang aktibidad.

Bukod diyan, napag-alaman ng mga pulis na ang suspek ay kalalabas lamang sa kulungan dahil sa kasong carnapping sa Calauan, Laguna noong 2017.

Miyembro rin umano si Ponterez ng Sputnik Gang.

Kinumpirma ng Philippine Independent and Roman Catholic Churches na wala silang kaugnayan kay Ponterez, na kakasuhan ng usurpation of authority, estafa, at grave coercion.

-Ria Fernandez