NAG-TWEET na ang Phenomenal Star na si Maine Mendoza sa pagsisimula niya ng work sa main office ng MAC sa New York.

Maine copy

“Something’s cooking! So happy and excited to be working with MAC again!”

From the Instagram Story na na-post, it seems na ibang color of lipstick naman ang gagawin ni Maine. Ipinakita na nag-a-apply siya ng lippie, meron naman kasama niya ang kanyang team.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Pero bago iyon, pagdating sa New York ay namasyal muna si Maine sa ilang lugar sa 5th Avenue, dine, kasama ang handler niyang si Michael Uycoco.

Itinanggi rin ni Maine ang post ng Filipino beauty vlogger na si Patrick Starr (make-up artist ng ilang celebrities like Katy Perry) na may collab daw siya at pinahuhulaan nito kung sino.

“I hate to break this to y’all but I am not doing a collab with Patrick kaya tulog na! Hehe!” sabi ni Maine.

Na-meet na rin kasi ni Maine si Patrick nang pumunta sa bansa ang huli last year, sa party ng MAC Ph.

Eagerly waiting na ang mga fans ni Maine sa launch ng gagawin niyang new lippie.

-NORA V. CALDERON