Buong pagkakaisang pinagtibay ng Kamara sa pangatlo at pinal na pagbasa ang House Bills 8884 at 8885 na magkakaloob ng diskuwento sa travel tax para sa mga estudyante, senior citizens, at may kapansanan.

Tumanggap ang HB 8884 ni Laguna 1st District Rep. Arlene Arcillas ng 178 boto nang walang abstention.

Layunin ng nasabing panukala na palawigin ang saklaw ng travel tax exemption sa bansa, at magkaloob ng 20% travel tax discount sa mga senior citizens, at persons with disabilities (PWD).

“Students, athletes, academic participants, and pageant contestants, who bring honor to the country, shall now receive incentives through travel tax discounts,” sabi ni Arcillas.

Eleksyon

Sara for President? VP Sara, inalis OVP seal sa kampanya; biro niya, palitan daw ng OP seal

Samantala, ang HB 8885 ni Quezon City 5th District Rep. Alfred Vargas ay tumanggap ng 169 affirmative votes nang walang abstention.

Layunin naman ng panukala ni Vargas na pagkalooban ng 20% fare discount privileges sa mga pampublikong sasakyan ang mga estudyante.

-Bert de Guzman