ISANG hakbang para sa minimithing tagumpay.

D-LEAGUE! Nagbigay ng kanilang pananaw hingil sa magiging kampanya sa PBA D-League sina coach Jimmy Manansala ng St. Clare College, Benjie Diswe ng AMA OnLine, PBA official Eric Castro, Yong Garcia ng Marinerong Pinoy, Myk Saguiguit ng Perpetual, Lou Gatumbato ng Petron Letran ay Kristoffer Co ng UST-Ironcon sa kanilang pagdalo sa 9th TOPS (Tabloid Organization in Philippine Sports) ‘Usapang Sports’ kahapon sa National Press Club (NPC) sa Intramuros.

D-LEAGUE! Nagbigay ng kanilang pananaw hingil sa magiging kampanya sa PBA D-League sina coach Jimmy Manansala ng St. Clare College, Benjie Diswe ng AMA OnLine, PBA official Eric Castro, Yong Garcia ng Marinerong Pinoy, Myk Saguiguit ng Perpetual, Lou Gatumbato ng Petron Letran ay Kristoffer Co ng UST-Ironcon sa kanilang pagdalo sa 9th TOPS (Tabloid Organization in Philippine Sports) ‘Usapang Sports’ kahapon sa National Press Club (NPC) sa Intramuros.

Mula nang simulan ang PBA D-League, higit na pinatatag at pinalawak ng organizers ang sakop ng programa sa hangaring matagpuan ang mga bagong basketball superstars.

“The road to the PBA starts here (D-League), so we expect to see some of the leading basketball talents in the country,” pahayag ni PBA Operations Head Eric Castro sa kanyang pagbisita kahapon sa 9th “Usapang Sports”ng Tabloid Organization in Philippine Sports (TOPS) kahapon sa National Press Club sa Intramuros, Manila.

Romualdez, pinasalamatan tennis player na si Alex Eala

Ayon kay Castro, pawang kapana-panabik ang aksiyon sa D-League na magsisimula sa Feb. 14 bunsod na rin ng matinding scouting ng 20 kalahok na koponan para makuha ang mga players na posibleng sumunod sa mga yapak nina June Mar Fajardo, Mark Caguiao at Terrence Romeo sa PBA.

“This year’s PBA D-League teams, which include four commercial teams and champion teams from the UAAP, NCAA, NAASCU and UCBL, have assembled competitive lineups capable of winning the title,” sambit ni Castro sa programa na itinataguyod ng Philippine Sports Commission, National Press Club at napapanood ng live sa Facebook via Glitter Livestream.

Sa opening day, magtutuos ang Cignal-Ateneo at Go for Gold-St. Benilde. Habang maghaharap ang Marinerong Pilipino kontra Valencia City-San Sebastian College sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Kasamang dumalo ni Castro sa program sina coach Yong Garcia ng Marinerong Pilipino, Lou Gatumbato ng Petron College-Petron, Jimmy Manansala ng St. Clare College-Virtual Reality, Mike Saguiguit ng University of Perpetual Help-Rizal, Benjie Diswe ng AMA Online Education at Christopher Co ng University of Santo Tomas-Ironcon Builders.

Iginiit ni Garcia, isa sa pinakabeteranong coach sa liga, na mabigat ang laban dahil pawang naghanda at nagpalakas sa recruitment ng players ang mga koponan.

“Like in the previous four conferences, Marinerong Pilipino will strive to make it all the way to the quarterfinal and even the semifinal rounds despite the limited time that we’re together,” sambit ni Garcia.

Ibinida naman ni Manansala, isa sa pinakamatikas na defender sa kanyang panahon sa PBA, na sosopresahin nila ang lahat.

“Hindi kami kilalang eskwelahan at wala ring kaming sponsors. Pero dahil sa pagmamahal sa basketball ng pamilya, tuloy kami sa pagsali at pagsasanay. Masosopresa sila sa amin,” sambit ni Manansala, 1977 PBA Rookie of the Year sa Tanduay Rhum.

“We (Saints) have already proven our mettle by winning three straight NAASCU titles with my son Jino as head coach. Now, it’s time to take our acts to the D-League,” aniya.