MALAKI ang pangangailangan ng bansa sa pagpapaunlad ng cyber security, sinabi ni Department of National Defense (DND) Secretary Delfin Lorenzana nitong Lunes.

“Another concern is the increasing attacks in cyber space. Previous years have seen the rise of cyber threats, which can be expected to persists as the vital economic and security mechanism become more connected; thus propagating the opportunity for adversarial states and even non-state actors to create disruption on a global scale,” paliwanag ng kalihim sa kanyang talumpati, sa pagdaraos ng National Defense College of the Philippines Alumni Forum, na tinawag na “The National Security Outlook for the Philippines in 2019” at ginanap sa loob ng National Defense College of the Philippines National Defense sa Camp Aguinaldo, Quezon City.

Binigyang-diin ni Sec. Lorenzana na dahil malaki ang sakop na kinapapalooban ng simpleng pag-atake sa cyber o cyber-attack, higit na kinakailangan na mabigyan ng atensiyon at tugon na makatutulong o mga bagay na maaaring maging daan sa upang mabawasan ang mga ganitong insidente.

“Extraordinary attention is required on this matter. It is important to note that the Bangladesh Central Bank heist to which a local bank was implicated must serve as reminder to strengthen both civilian and military networks,” paliwanag ng DND chief.

National

FL Liza sa pagpanaw ni Pope Francis: ‘Met a saint on earth, now heaven welcomes him home’

Ayon pa kay Lorenzana, isinusulong niya ang pagpapasa ng batas na nag-uutos ng mandataryong pagpaparehistro ng mga SIM cards lalo pa’t maraming improvised explosive devices o mga pampapasabog sa katimugang bahagi ng bansa ang pinapasabog gamit ang mga cellular phones.

“I did not ask Congress, only (Senator Richard) Gordon. I asked him if he could sponsor a bill that requires the mandatory registration of SIM cards. How will it help us? It makes tracking criminals easier,” pahayag pa ni Lorenzana.

PNA