LONDON (Reuters) – Sinuspinde ng British Academy of Film and Television Arts (BAFTA) ang nominasyon ng Bohemian Rhapsody director Bryan Singer para sa nakatakdang awarding ngayong Linggo matapos lumabas ang alegasyon ng sexual misconduct.

Bryan Singer

Kabilang ang 53-anyos na direktor sa listahan kasama sina producer Graham King at  screenwriter Anthony McCarten para sa nomination ng Queen biopic sa “Outstanding British Film” category.

Sa pahayag na nakapaskil sa website nitong Miyerkules, sinabi ng BAFTA na naipaalam na kay Bryan ang suspensyon ng kanyang nomination sa “in light of recent very serious allegations”.

Jericho, umaming jowa na si Janine sa lamay ni Pilita

“BAFTA considers the alleged behavior completely unacceptable and incompatible with its values. This has led to Mr Singer’s suspended nomination,” pahayag ng BAFTA.

“BAFTA notes Mr Singer’s denial of the allegations. The suspension of his nomination will therefore remain in place until the outcome of the allegations has been resolved.”

Hindi naman nagbigay ng pahayag ang BAFTA ng anumang detalye hinggil sa mga alegasyon.

Nitong nakaraang buwan, inilabas ng U.S. magazine  na The Atlantic  ang isang artikulo kung saan inaakusahan ng apat na lalaki si Bryan ng sexual misconduct, kabilang ang pang-momolestiya ng direktor sa kabila ng menor de edad ang mga ito.

Mariing itanggi ng direktor ang bintang, at sinabing  “homophobic smear piece” lamang ang artikulo.

Sinabi naman ng BAFTA na nominado pa rin ang pelikula sa Outstanding British Film category at “the other individuals named as candidates in respect of the film remain nominees”.

Ngayong Linggo nakatakdang idaos ang awards ceremony sa London.