Ang mga nakalipas na pagkatalo ng Team Lakay ang nagbigay lakas ng loob kay Gina “The Conviction” Iniong at nangako siyang bibitbitin ang camp banner sa pagpasok sa unang laban niya ngayong taon.

Nakatakdang makaharap ni Iniong si Jihin “Shadow Cat” Radzuan ng Malaysia sa undercard ng ONE: CLASH OF LEGENDS na gaganapin sa Impact Arena in Bangkok, Thailand sa Sabado, Pebrero 16.

“Four of the first five matches of my Team Lakay brothers [this year] didn’t go our way, and this motivates me more to showcase the best version of Gina Iniong when I step inside the ONE Championship stage in Bangkok,” sabi ni Iniong.

“I want to start 2019 with a win against a tough opponent. I will give my best in this bout. I will leave everything on the line in Bangkok.”

Romualdez, pinasalamatan tennis player na si Alex Eala

Maliban sa mga motibasyong nakukuha niya sa kanyang mga teammates, gusto rin niyang patunyan ang kanyang sarili sa The Home Of Martial Arts kasunod ng kanyang pagkatalo kay Istela Nunes.

“My last match made me realize the things that I still need to work on, especially in my overall game. I’ve learned my lessons the hard way, but it motivates me to step up my game further,” paliwanag niya.

“This is a perfect opportunity for me to start the year right. I split my previous two matches last year, and I don't have any plans of losing again.”

Dating isa sa matinding kalaban para sa ONE Women's Atomweight World Title ni Angela Lee, kailangan bumalik ni Iniong sa simula dahil sa pagkatalo niya kay Nunes pero hindi siya napanghinaan ng loob.

“I learned from it. I believe that it’s important. I am fully aware in case it happens again. It’s one of the good sides of losing,” pahayag ni Iniong.

“I have made other adjustments. I don’t want to be complacent because everyone in our division is already making their move to bolster their status. The atomweight division is stacked, and every match will have a huge impact on the rankings.”

-ONE Championship (salin ni Angelli Catan)