NAGING emosyonal si Carla Abellana nang muli siyang nag-renew ng exclusive contract sa GMA Network.

“Para po kasi sa akin, ang contract renewal ko is one of my life’s blessings,” nakangiti nang wika ni Carla.

“Ang saya ko po kasi it’s my 10th year na in show business at sa GMA. Grateful ako sa management na muli silang nag-trust sa akin. Imagine ten years na ako sa industry at binigyan muli ako ng opportunity ng GMA. Blessings po talaga ito.

“Maganda po ang working relationship ko sa kanila at sabi ko kay Lord I will always do my best, ‘yung ganitong opportunity hindi ko dapat sayangin.”

Janno Gibbs nakikipogi kina Paulo Avelino, Aga Muhlach

Para naman sa GMA, si Carla ay isa sa kanilang mga home-grown artists, na nagsimula nang magbida sa Pinoy adaptation ng Mexican telenovela na Rosalinda.

Nasundan pa ito ng mga memorable roles na ginampanan niya, tulad sa My Husband’s Lover, with Dennis Trillo and real boyfriend Tom Rodriguez; ang romantic-comedy series nila ni Gabby Concepcion na Because of You; ang sitcom na Ismol Family with Ryan Agoncillo; at ang katatapos na family series niyang Pamilya Roces with Rocco Nacino.

Sa contract signing, nagpasalamat din si GMA Chairman and Chief Executive Officer Atty. Felipe L. Gozon na muling nag-renew ng contract si Carla sa kanila. Sinabi naman ni Ms. Lilibeth G. Rasonable, GMA Senior Vice-President for Entertainment Group, na may mga coming projects na silang inihahanda para kay Carla.

-Nora V. Calderon