NITONG Enero 27, libu-libong mga volunteer ang nagtungo sa Manila Bay para tumulong sa paglilinis ng dalampasigan, ngayong sumasailalim ito sa rehabilitasyon.

Gayunman, ilang araw matapos ang initial cleanup, sino ang magpapanatili ng kalinisan dito, gayung kilala ang mga Pinoy na “ningas kugon”?

Dahil sa cleanup drive, muling natunghayan ang halos malimutan nang kariktan ng naturang dagat at ilang migratory bird na rin ang nagsimulang magtampisaw rito. Marami na ring tao ang dumarayo rito para silayan ang lugar.

Matagal-tagal pa rin ang bubunuin bago tuluyang malinis ang dalampasigan.

Night Owl

Marupok ang demokrasya—ngunit nasa mamamayan ang tunay na lakas nito

Buti na lamang ay mga ilang kalalakihan ang nagboboluntaryong magpulot ng mga basura sa buhangin at sa marumi pang tubig. Kapansin-pansin si Christopher Ballejos Abria, 45, habang namumulot ng mga basura araw-araw, matapos ang malawakang cleanup.

“Hindi kasi ako nakapunta noong Sunday, ngayon na lang po ako. May maitutulong pa naman ako eh,” sabi ni Abria.

Nang sumunod na mga araw, dalawang katao ang sumama sa kanya.

Sa Manila Bay ang diretso ni Nelson Delgado, 41, pagkatapos ng kanyang duty sa gabi bilang guard sa Malate. Habang naglilinis ay nakalagay ang kanyang sa isang cellophane bag nang sa gayon ay hindi ito mabasa ng tubig.

Nagtrabaho si Delgado sa Riyadh, Saudi Arabia ngunit bumalik siya sa Pilipinas nang matapos ang kanyang kontrata. Habang naghihintay ng balita mula sa kanyang agency, ay pinapalipas niya ang kanyang oras sa pamamagitan ng paglilinis sa bay.

Para sa kanya, mas malaki ang nararamdaman niyang saya kapag nakakatulong sa kapaligiran kaysa sa mga panunukso ng ibang tao na wala naman itong mapapala sa ginagawa kundi ang pagiging mabaho.

“’Yung dumi naman po, nahuhugasan ‘yan at nawawala. ‘Yung kakaibang saya na nakukuha sa pagkakawanggawa, forever ko na po ‘yung ite-treasure,” he said.

Samantala, nagmomotorsiklo naman si Jonathan dela Cruz, mula Makati City para makapunta sa bay kapag tapos na ang kanyang trabaho.

“Habang may free time pa po ako ngayon, dito ko na lang ibubuhos. Nakakatuwa kasi, malinis na talaga sya, nakikita ko ,” sabi ng 41 taong gulang, at ibinahagi rin niya na marami siyang alaala sa bay noong bata pa siya.

Para sa mga taong nais na magboluntaryo, ay ito na ang magandang panahon para makiisa at isalba ang dalampasigan.

Nagbibigay ang Metropolitan Manila Development Authority ng mga cleaning at protective gears para sa mga taong nais mapanatili ang kalinisan ng Manila Bay, pero maaari namang magdala ng sarili nilang gamit ang nagnanais.

Maaaring tumawag ang mga volunteer sa MMDA sa numerong 882-0870 o 882-2631 o kaya ay simpleng bumisita sa Baywalk sa Roxas Blvd. at maging bahagi ng rehabilitasyon.

PNA