DAVAO CITY – Apat na pasahero ang nasawi matapos magsalpukan ang dalawang bus sa Nabunturan, Compostela Valley, nitong Lunes ng hapon.

ACCIDENT-COMVAL

Ayon kay Police Regional Office (PRO)-Region 11 spokesperson, Chief Insp. Jason Baria, hindi pa rin nakikilala ng Nabunturan Municipal Police ang apat na pasahero na dead on arrival sa Compostela Valley Provincial Hospital dahil sa matinding pinsala sa kanilang katawan.

Tinukoy sa report ng mga awtoridad, binabagtas ng Davao Metro Shuttle bus ang Kilometer 92 sa Barangay Magsaysay patungong Veruela, Agusan del Sur nang biglang sumabog ang gulong nito sa unahan.

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

Dahil dito, nawalan ng kontrol ang driver nito hanggang sa sumalpok sa kasalubong na Bachelor Tours na patungo sana sa Tagum City.

Sugatan naman ang driver ng dalawang bus na sina Hamber Khen Despi at  Cruz Daig at iba pa nilang pasahero.

-Armando B. Fenequito Jr.