Hinikayat ni 2018 Miss Universe Catriona Gray ang publiko na huwag matakot na magpasuri, kasunod ng nakaaalarmang pagdami ng may HIV-AIDS sa Pilipinas.

Miss Universe 2018 Catriona Gray

Miss Universe 2018 Catriona Gray

“If you've never been tested before for HIV, I have my first testing experience up on my YouTube channel in partnership with @loveyourself.ph. If I can do it, you can too. Get tested, know your status. Love yourself,” post ni Cat sa Instagram.

Tinukoy ni Cat ang report mula sa loveyourself.ph na nagpapakita ng nakaalarmang pagdami ng kaso ng HIV sa Pilipinas sa nakalipas na 10 taon.

Musika at Kanta

Marko Rudio, kampeon sa TNT: All-Star Grand Resbak 2025 Huling Tapatan

“In the last ten years, we've seen the cases of new HIV cases in the Philippines rise exponentially from only 1 a day in 2008 to 32 a day in 2018,” ani Cat.

Ang Loveyourself.ph ay isang komunidad ng mga volunteers sa bansa na nagsasagawa ng HIV counselling, testing, treatment, at life coaching. Isa ang HIV-AIDS sa mga adbokasiya ng Miss Universe Organization.

Sinabi ng Filipino-Australian na nagpasuri rin siya sa HIV-AIDS at negatibo siya sa nasabing sakit.

Ipinaalala rin niyang libre ang HIV testing sa Pilipinas.

Robert R. Requintina