HINIKAYAT ni Department of Education (DepEd) Secretary Leonor Briones nitong Martes ang mga mag-aaral na ibalanse ang kanilang interes sa agham at teknolohiya, at kultura, at sining.

“Science and technology which are very important, soft and hard sciences (mathematics, physics, geometry) have to be balanced with literature, with culture, with arts, with crafts and with different services,” pagbabahagi ng kalihim, sa kanyang talumpati sa pagbubukas ng National Festival of Talents (NFOT) sa Dagupan, Pangasinan.

Sa kasalukuyang bilang ng mga curriculum, sinabi ni Briones sa mga mag-aaral na may pagpipilian na ang mga ito “as compared to the past when there was only one curriculum.”

“At a young age, you are already trained to make choices, which have to be based on analysis, critical thinking, and based on the kind of advice you get from your teacher and from your parents,” ayon pa sa opisyal.

Night Owl

Bakit Dapat Tumanggi ang Pilipinas sa Online na Pagboto

Nabanggit din ni Briones ang nagaganap na debate sa akademya hinggil sa pagpapanatili ng agham at sining sa curriculum.

“What should we focus on? Should we reduce our subjects in literature, in history, in culture so that we will have more subjects in technology, in mathematics and physics, particularly in engineering? I maintain that we should do both because it is possible,” aniya.

Binigyang-diin ni Briones na ang nakatutulong sa isang tao upang makayanan ang mga pagsubok ng buhay, makapag-analisa at magkapag-gunamgunam ay ang pagpapaunlad ng kaluluwa.

“The Filipino soul is expressed in poetry, in music, in language,” aniya.

Samantala, pinuri rin ng kalihim ang mahigit 3,800 delegado na naglakbay patungong Dagupan City kasabay ng pagkilala sa talento ng mga Pilipino.

“We’re best known for our singing and dancing abilities,” pagmamalaki niya.

Tampok sa pagbubukas ng NFOT ang Bayle sa Kalye (street dance parade competition) kung saan 16 na rehiyon ang nagpakita ng kani-kanilang rehiyunal na kultura, tradisyon, at produkto.

Sa technolympica, bahagi ng paligsahan ang mga bazaar/booth set-up, silk screen preparation at T-shirt printing, pananahi, technical drafting, bread at pastry production, furniture at cabinet making, computer system servicing, landscaping, food processing, at electrical installation and maintenance.

Kasama naman sa population at development (PopDev) ang poster making, jingle writing, jingle singing, kasaysayan (history) quiz, debate, at pop quiz.

Nasa ilalim naman ng special program sa foreign language ang cosplay, quiz whiz, sign language, quiz whiz, harf touch (Arabic language), Arabic spelling, at singing idol.

Kabilang sa kategorya ng Tagisan ng Talento category ang Dagliang Talumpati, Interpretatibong Pagbasa, Madulang Pagkukuwento at Sulat at Bigkas ng Tula.

Habang sa Sining Tanghalan ang Bayle (street dancing and showdown), Sineliksil (filming and editing), Likhawitan (composition), Sulatanghal, RCM song writing at choral competition, Direk ko Ganap mo, at Pintahusay.

PNA