Mga Laro Ngayon

(Ynares Sports Center)

4:30 pm Blackwater vs. Phoenix

7:00 pm San Miguel vs. Rain or Shine

Putol na ang sumpa! UST tinapos na ang 9 taon losing streak sa Ateneo

MAPANATILI ang malinis na marka, hindi lamang upang tumatag sa kanilang pamumuno kundi upang makapaghanda sa mga darating nilang laro kontra sa mga itinuturing na contenders ang tatangkain ng Phoenix Pulse sa pagsagupa nila Blackwater sa pagpapatuloy ng 2019 PBA Philippine Cup.

Magtutuos ang Fuel Masters at ang Elite (1-2) sa unang laban ganap na 4:30 ng hapon sa Araneta Coliseum na agad namang susundan ng tapatan depending champion San Miguel Beer at Rain or Shine (2-1)ganap na 7:00 ng gabi.

“Before the conference hindi ko iniisip na magti-3-0 kami. Wala kasi kaming ipinanalo sa dalawang tuneup games namin against NLEX and Rain or Shine, pareho pang blowout losses,” ani Phoenox coach Louie Alas.

“Kaya ang iniisip ko coming to this, makakuha lang ng .500 okay na. Sana madagdagan pa para maka-pondo kami. Hindi pa kasi kami lumalaban sa heavyweights tulad ng Ginebra, San Miguel (Beer) and Magnolia,” aniya.

Inaasahang magiging dikdikan ang laban ng dalawang koponan dahil tiyak na magsisikap ang Elite na madugtungan ang naitalang unang tagumpay kontra Rain or Shine (11-99)noong Miyerkules na pumutol sa unang dalawa nilang kabiguan.

Sa naturang laro, pumukol si Mike Digregorio ng pitong 3-pointers at tumapos na may 27 puntos na sinundan ni Allein Maliksi na may 23 puntos upang pangunahan ang Blackwater.

Iyon ang unang pagkakataon na kasamang naupo bolang miyembro ng coaching staff ng Blackwater ang 3-time PBA MVP awardee na si Bogs Adornado bilang shooting coach na nakikitang susi sa pagsiklab ng firepower ng Elite.

-Marivic Awitan