GUSTO raw makabawi ni Angel Locsin sa mga pagkukulang sa kanyang ama, kaya iniregalo niya sa kanyang Tatay Angelo ang binili niyang beach resort.

ANGEL-LOCSIN copy

Ikinuwento ng aktres sa Magandang Buhay sa nakaraang guesting niya sa programa na isa ito sa mga rason kung bakit naisipan niyang bumili ng beach property.

“Ako naman ngayon (ang babawi). Kasi ibinigay niya sa akin lahat, kahit hindi namin kaya noon, tinray niya ‘yung best niya na gawing happy ang childhood ko, in his own way. So bilang anak, kung ano ang kaya kong ibigay, i-provide, eh ‘di ‘yun,” paliwanag ni Angel.

Janno Gibbs nakikipogi kina Paulo Avelino, Aga Muhlach

Kuwento pa ni Angel, na-late daw siya ng ipon kaya hindi na rin niya naipagamot ang mata ng kanyang ama.

“Hindi ko kasi napagamot ‘yung mga mata ni Daddy. Na-late ako, na-late ako. ‘Yun ‘yung reason ko noon, bakit ako nag-stay sa showbiz. Kasi akala ko makakaipon ako, kaya lang na-late ako ng ipon. Hanggang sa hindi ko napagamot si Daddy, hanggang sa too late na,” ani Angel.

Paliwanag niya, 10% na lang din ang tsansa umanong makakita ng kanyang ama kung kaya naman hindi na rin nila naisip na paoperahan ito.

“Magna-93 na rin si Daddy, so medyo risky na rin sa kanya. Hindi na rin advisable,” sabi ng bida ng The General’s Daughter, na mapapanood Mondays to Fridays after FPJ’s Ang Probinsyano sa ABS-CBN primetime.

-Ador V. Saluta