Bagamat nasa 70,000 business establishment sa Quezon City ang nagkaroon ng Fire Inspection Certificate noong 2018, nagbabala si QC Fire Marshal Senior Supt. Jaime Ramirez na sisibakin niya at kakasuhan ang sinumang tauhan ng ahensiya na mapatutunayang sangkot sa anumang ilegal na transaksiyon.
Ito ang inihayag ni Ramirez bilang bahagi ng pagpupursige ng QC-BFP na mabawasan ng 80% ang mga insidente ng sunog sa lungsod.
Nabatid naman na sa unang tatlong buwan ng panunungkulan ni Ramirez bilang fire marshal sa lungsod, kabilang sa limang insidente ng sunog sa siyudad ang sa Icon Hotel sa Timog Avenue, kung saan umabot sa P1 milyon ang mga ari-ariang natupok.
-Jun Fabon