POSITIVE ang comments sa ipinost na picture ni Sen. Manny Pacquiao kasama si Jack Ma, ang co-founder at executive chairman ng Alibaba.

Jack at Manny copy

Sa Hong Kong naganap ang pagkikita ng dalawa na ang description ng followers ni Manny ay pagkikita ng mga bilyonaryo.

Hindi nabanggit ni Manny kung aksidente lang ang pagkikita nila o talagang nasa schedule ito ni Manny. Kung nasa schedule, gustong malaman ng netizens kung para saan ang meeting na ‘yun at kung may balak bang magsosyo sa negosyo ang dalawa.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Nagpunta sa Hong Kong sina Manny at Jinkee Pacquiao para suportahan ang isa nilang anak na may school event sa Crown Colony.

-Nitz Miralles