“PINAGLALARUAN lang tayo ng mga ‘yan (Angelica Panganiban at Carlo Aquino),” ito ang kunot-noong sabi ng mga nanonood ng Playhouse.

Angelica at Carlo copy

Dagdag pa, “siguro bumaba ang ratings ng programa nila kaya kilig-kiligan na naman sila.”

Oo nga, parang kailan lang ay panay ang emote ng aktres dahil pinag-aaway daw sila ni Carlo ng fans at naging dahilan din para i-unfollow niya sa Instagram ang aktor.

Tsika at Intriga

Sofia Andres, naghahanap ng PA na 'kayang basahin nasa isip' niya

Hanggang sa naglabasan na sa social media na may kasamang non-showbiz girl si Carlo sa isang beach resort sa La Union.

Iba-ibang bersyon na ang lumabas na kesyo matagal na itong close friend ni Carlo kaya hindi niya mabalikan si Angelica kasi ayaw niyang masira ang maganda nilang pagkakaibigan.

Ito rin naman ang kuwento sa amin ng aming source na hindi pa talaga nagkabalikan ang dalawa, pero totoong malapit sila sa isa’t isa.

Pero simula nang lumabas ang larawan ng non-showbiz girl ni Carlo ay nagsimula ng mag-emote-emote si Angelica sa kanyang IG account.

Pero ano na naman kaya ang drama nang dalawa dahil makikita sa kanyang IG story na nagtutuksuhan silang magdi-date kahapon, Enero 27, na si Carlo mismo ang pumili.

Base sa takbo ng usapan ng CarGel: Tanong ng aktor, “Kapag ba niyaya kitang lumabas, pumayag ka na. Ayain kitang lumabas, date-date ganoon. Lalabas lang tayo, yayain lang kita, quality time.”

Sagot naman ng aktres, “Game ha, January 27. Basta kakain (lang), game.”

May post din si Angelica na binubuska niya si Carlo habang kumakain, “Akala ko ba mag-de-date tayo? Tagal ng (January) 27 e.”

Hirit ng aktor, “Hintayin na lang natin (mag-January) 27.”

Kaya maraming nag-abang kahapon sa bagong post ng CarGel kung natuloy ang date nila.

Isa rin kami sa nag-check pero habang tinatapos namin ang balitang ito ay wala kaming nakitang bagong post ng dalawa.

May nabasa kaming komento, “Akala ko ba hindi na siya makikipagkita kay Carlo? May sinasabi pa siyang lalayo na siya para sa kasiyahan ng mga taong kontra sa relasyon nila. Tapos ngayon, may ganyang drama? Ano ‘to lokohan?”

Sabi rin ng isa pang maka-Carlo, “May pa move on move on pa siyang nalalaman? Humingi pa ng suporta sa mga tao para mabilis siyang makalimot? Echoserang palaka!”

Anyway, baka naayos na ulit ng CarGel ang mga gusot nila since nagkikita sila parati sa tapings ng Playhouse na napapanood bago mag-It’s Showtime.

Hmm, teka, baka kaya pinag-ayos ng Star Magic ang dalawa dahil tanda namin ay nagmamadaling pumasok ng ELJ building si Carlo noong Martes, Enero 22, dahil may meeting siya.

Ano sa palagay mo ateng Jet?

-REGGEE BONOAN