Binabalak ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) na pasukin na rin ang online betting sa pamamagitan ng mga mobile application upang mapataas ang kita nito nang hanggang 70% ngayong 2019.

“Mayroon na kaming nakasalang for approval and testing this year para makita natin ang new market. Ito kasing dati nating games, kilala na ito ng ating mga mananaya. Titingnan natin ‘yung possibility ng mga bagong game proposals at iba pang sistema ng gaming,” sinabi kahapon ni PCSO General Manager Alexander Balutan.

“Also ‘yung computerization or online na puwede nating i-access sa ating mga cellular phones, io-offer na din para puwede nang tumaya online.”

Ayon kay Product and Standard Development Department (PSDD) Manager Roger Ramirez, dapat lang na maisulong ang mobile application ng PCSO na maaaring ma-download ng mga publiko.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

-Jel Santos