FIRST project nina Gabby Concepcion at Jennylyn Mercado sa GMA Network ang romantic comedy series na Luv U Too at ngayon pa lang ay mukhang exciting na ang pagtatambal nila.

Gabby at Jen

Ang unang serye ni Gabby nang lumipat siya sa GMA ay ang romantic-comedy series na Because of You with Carla Abellana at Rafael Rosell, na tumagal ng one year. Sa serye nakuha ni Gabby ang nickname nitong “Boss Yummy” dahil yummy looking pa rin siya kahit mahigit 50 taong gulang na siya.

Kasunod niyang serye ang family drama na Ika-6 Na Utos with Sunshine Dizon at Ryza Cenon, na tumagal din ng mahigit isang taon at noon ay hindi sila natinag sa pagiging number one afternoon prime.

Tsika at Intriga

Chloe San Jose, mas pinipiling maging 'authentic' na tao kaysa people-pleaser

Si Jennylyn Mercado naman, most ng kanyang serye ay family drama at ang last soap niya ay The Cure, kaya happy si Jen na sa pagbabalik niya sa primetime ay romantic-comedy naman ang gagawin niya at katambal nga si Gabby.

Tapos na ang story conference at plug shoot ng serye na magsisimula nang mag-taping next week.

“Bago ang lahat... in my experience, this will be the first time any production will ever practice this new system of taping. Dito lang sa GMA. Abangan ang mga bagong pagbabago sa bagong romcom teleserye ng GMA. ‘Luv U Two’ with @mercadojenny and @shairadiaz_ #gma7 #gmanetwork,” post ni Gabby sa Instagram (IG).

Wala pang ibinigay na concept ang production tungkol sa istorya ng Luv U Two at kung sino ang direktor nito.

-NORA V. CALDERON