Kung ang dating presidential political adviser na si Francis Tolentino ang tatanungin, tutol siya sa planong pagsasara sa Pantaleon-Estrella Bridge, dahil magdudulot ito ng matinding trapiko sa lugar.
Ang 8-anyos na tulay, na kilala ring Rockwell Bridge, ay isasara sa loob ng 30 buwan upang isailalim sa rehabilitasyon at palalawakin sa apat na lane.
“Walang madaliang dahilan upang isara ang tulay. Hindi naman ito sira at walang nakaambang panganib sa mga dumaraan dito,” sabi ni Tolentino. “Ibayong sakit ng ulo lang ang idudulot nito sa mga motorista, kaya dapat pag-aralan munang muli ang pagpapasara dito.
“Sa halip na sirain ang kasalukuyang tulay, bakit hindi na lamang gumawa ng panibagong four-lane bridge sa Pasig River upang makatulong sa pagpapaluwag sa mga kalsada at pagsasaayos ng trapiko?” dagdag ng dating Metropolitan Manila Development Authority chairman