NALI-LINK si Carlo Aquino sa isang car show model na may pangalang Trina Candaza. Ang dalaga raw ang madalas na kasa-kasama ng aktor ngayon, na ipinagseselos ng CarGel fans nila ni Angelica Panganiban.

Angelica at Carlo

Naka-private ang setting ng Instagram ni Trina, kaya hindi siya maaway ng fans nina Carlo at Angelica. Gayunpaman, naba-bash pa rin sila ni Carlo.

Lalo pang nagalit kay Carlo ang fans, lalo na ang CarGel dahil sa huling tweet ni Angelica.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

“Kapag natapos na ang playhouse. Puwede bang suportahan n’yo ‘ko sa pag-move on? Sa tatlong nakarelasyon ko, sure akong dito ‘ko matatagalan maka-move on,” tweet ni Angelica.

Nauna rito, nag-tweet din si Angelica ng: “Ngayon lang ako nasaktan. Tapos, na-appreciate ko. Kasi, nasasaktan na ‘ko ulit. Totoong nagmamahal na ‘ko. ULIT!!! MAGDIWANG!”

Sa kasagsagan ng pagpo-promote ng reunion movie nilang Exes Baggage n noong September ng nakaraang taon, matatandaang sinabi ni Carlo na ayaw niyang ipilit ang balikan kay Angelica dahil ayaw niyang masaktan uli ang dating girlfriend.

Sa isang interview noon, inamin din ni Carlo na third party ang naging dahilan ng hiwalayan nila noon ni Angelica, noong kapwa pa sila teenagers.

Ang mangyayari nito, mahahati ang fans ng love team nina Carlo at Angelica, dahil ang iba ay si Angelica na lang ang susuportahan. Meron din namang si Carlo na lang ang susuportahan. At merong patuloy na susuportahan ang CarGel love team. Sa huli, umaasa ang lahat na maaayos din ang gulo sa pagitan nina Angelica at Carlo.

-Nitz Miralles