May kinatawan na ang Mindanao sa unang conference ng idaraos na Chooks-to-Go Pilipinas 3x3.

Ito’y matapos na magpahayag ng kanilang paglahok sa launching tournament na tinaguriang President’s Cup ang Zamboanga Valientes. Nakatakda ang torneo sa Marso 16 sa event center ng SM Megamall.

“It’s an honor and pride for our city to join this league, especially our fans from Zamboanga. They are really looking forward to watch our homegrown players play in a big league,” pahayag ni Zamboanga team owner Junnie Navarro.

Kinumpleto ng Valientes ang hanay ng mga kalahok na kinabibilangan ng Manila Stars, Go for Gold-San Juan Knights, Bataan Risers, Quezon City-Zark’s Jawbreakers, Bacoor Strikers, Valenzuela Classic, Marikina Shoemasters, Bulacan Kuyas, Vigan Baluarte, at Cebu-Max 4 Birada para sa unang 3x3 basketball league ng bansa.

Anong luto ni Chloe ang masarap para kay Caloy lalo na 'pag umuulan?

Ang oportunidad na maipakita ang talento ng mga taga Mindanao ang siyang naging dahilan ng kanilang pagsali, ayon pa kay Navarro.

“Dito naman tayo nagsimula sa three-on-three. The reason that we are interested because we are passionate about basketball. Rhayyan Amsali showed that Zamboangenos can excel in this discipline,” aniya.

Binubuo ang koponan ng Zamboanga ng mga homegrown talents sa pangunguna ng “Tausug Hero” na Das Esa na si Jonathan Parreno,Grevani Rublico, 6-foot-8 Rino Berame at 6-foot-3 Ferdinand Lusdoc.

“Yung players namin now sell out crowds in Zamboanga. Hopefully, we could expose them more in this league.”

-Marivic Awitan