PARA matigil na lang ang pang-aaway sa kanya ng fans ni Carlo Aquino, in-unfollow na ni Angelica Panganiban ang aktor sa Instagram. Pero bago ito, may nakasagutang basher si Angelica.

Angelica & Carlo copy

Tinanong ng b a s h e r s i Angelica kung aware ba siya sa impact na nagagawa niya kay Carlo? Dehado raw si Carlo sa mga ginagawa ni Angelica, at pati fans ng aktres ay bina-bash at hinuhusgahan si Carlo nang walang ebidensiya.

“Grow up, Angge. Pag-usapan n’yo ‘yan ni Carlo. Wag mo idaan sa social media lahat. Minsan nakakaduda rin if gaano ka ka-genuine mag-care for Carlo. Kung ano ikinadaldal mo ikinatahimik niya. Jusko, para kayo 13, 14 ulit. Hoy 33, 34 na kayo. Act your age,” komento ng basher.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Sagot ni Angelica: “Wow. Sa lahat ng na-offend ko. Sorry. Hindi ko alam na may issue pala kayo sa ‘kin. From now one, hindi na ko magsasalita. Huling caption ko na po ito. Kasi nakakahiya sa inyong mga nasaktan ko.

“Tama ka. Madaldal ako. So, tatahimik na ‘ko. I will act my age po. Sorry po. Hindi na kayo makakarinig ng kahit na ano sa ‘kin regarding Carlo. Lalayuan ko na din para hindi na lang ako mahusgahan at hindi na po siya mahirapan sa sinasabi niyong ‘impact’ na ginagawa ko para madehado po siya.

“Happy po? Thank you. Sana po maintindihan n’yo din ako sa kanegahan at pakekealam ninyo. Nasaktan na din ako. So, tama na.”

May nag-comment na dapat magsalita na si Carlo kung totoong may care siya kay Angelica para ipagtanggol man lang ang aktres. Huwag daw basta manahimik lang ang aktor, dahil sinasaktan ng fans nito si Angelica.

Pero may mga kumontra, hindi raw kailangang magsalita ni Carlo, dahil hindi naman kasama ang aktor sa caption ni Angelica sa kanyang post.

-Nitz Miralles