NAKAKUWENTUHAN namin si Jeff Fernando ng Umagang Kayganda ng ABS-CBN tungkol sa pagsali ngayong taon ng ilang celebrities sa Niño Dios exhibit sa San Beda Manila. Mahigit 50 priceless images ng child Jesus, na kilala ng karamihan bilang si Sto. Nino ang itatanghal sa Nino Dios, The 39th Sto Nino Exhibit at San Bed at San Beda Manila.
Sinimulan ang tradisyon noong 1980 ng mga miyembro ng Society of the Holy Infant sa San Beda na sinalihan ng 30 camareros (image caretakers). Dinala nila ang mga imahe ng Sto. Niño at idinispley sa San Beda exhibit hall. Ngayon ay isa na ito sa oldest at prestigious na Sto. Niño exhibits na taun-taon pinaghahandaan, inaabangan at pinupuntahan ng Child Jesus devotees. Ang kakaiba ngayong taon ay ang pagsali sa exhibit ng Sto. Nino images na iniingatan ng popular celebrities. Kaya matutunghayan sa Niño Dios ang mga imahe ng child Jesus na pagmamay-ari ng film at television director na si Louie Ignacio na tinatawag niyang “Sto. Niño de Palaboy”; “Sto. Niño Dormido” ni Shalala; “Sto. Niño de Badoc” at Sto. Niño de Tacloban ni Jeff Fernando, at ang rare wax image ni Sto. Niño de Praga ni Anton Buencamino (Arte Monasterio); “Sto Niño de Uvas y Trigo ni Don Conrado A. Escudero at ang “Sto Niño de Cebu” ni Pokwang. Libre ang entrance ng publiko sa exhibit na magsisimula sa Enero 25 at matatapos sa Pebrero 9 sa Pamanang Bedista Heritage Center of San Beda Manila campus. Hindi Bedista kundi Tomasian si Jeff na siyang nakaisip na isama sa exhibit ang Sto. Niño images ng celebs. “Para maiba naman sa maraming S t o . Niño exhibits na nagaganap kapag Enero,” kuwento ni Jeff. “Personal ako nag-message sa ilang kaibigan natin kung okay sila magpahiram at nakakuha naman tayo ng positive answers mula sa kanila.”
-DINDO M. BALARES