KASALUKUYAN nang nasa Zurich, Switzerland ang Miss Saigon UK kung saan gumaganap si Aicelle Santos bilang si Gigi. Ibinalita niyang first time na dalhin sa Zurich ang Miss Saigon, kaya sobrang pressure raw ang naramdaman kanila pero nawala rin dahil aniya ay kahanga-hanga ang audience nila.

Aicelle at Mark

“Excited akong i-explore ang lugar na ito, first time ako nakakita ng actual falling snow! Gusto kong mag-dive sa snow,” kuwento ni Aicelle sa kanyang Instagram post.

Pinuntahan pala siya ng fiancée niyang broadcaster, si Mark Zambrano at kuha ang photo na ito sa Matterhorn, Zermatt, Switzerland. Ito ang caption ni Rachelle sa kanyang post: “This photo is reminiscent of that bliss when I can hold you close to me. That no time, distance or mountains can separate us. That moment I realized how lucky I am to be treated like I am queen and that I am the most beautiful woman in your eyes. That day when I knew you are the person I want to spend all my life with. Those smiles and happiness I want to give you. How I adore you and want to take care of you. That feeling of so much love I have for you.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

“Mahal na mahal kita @markzambrano. I’ll see you again very soon, mahal ko.”

Sinagot naman ito ni @markzambrano ng, “This is the way we will stay. Because that’s how the Lord designed it mahal. @aicellesantos.”

Sa pag-uwi ni Aicelle very soon ay tiyak na ang wedding bells sa kanila ni Mark, na na-engaged last year bago siya umalis para sa Miss Saigon UK Tour.

Nagpadala nga siya ng message sa Asia’s Romantic Balladeer na si Christian Bautista nang ikasal ito ng “Best wishes to Christian and Kat! Ako na ang susunod!”

Meanwhile, proud na proud si Aicelle sa kanyang boyfriend dahil isa si Mark sa napiling maging host sa 23rd Asian Television Awards sa January 12, Saturday, na magaganap sa Kuching Sarawak,Malaysia ganap na 8:00 ng gabi.

-Nora V. Calderon