Nagkasa ang pulisya ng manhunt operation laban sa pumatay sa tatlong magkakapatid sa Malapatan, Sarangani, nitong Sabado.

Inihayag ni Supt. Teody Condeza, tagapagsalita ng Sarangani Police Provincial Office, na tinutugis na ng mga pulis si Jonathan Pablo, na sinasabing pumatay sa magkakapatid na sina Myko Engkong, 25; Allan Engkong, 33; at Angelo Engkong, 36, sa Barangay Sapu Masla, Malapatan, nitong Sabado.

Ayon sa pulisya, pinasok umano ng suspek ang bahay nina Alan at Angelo bago pinaputukan ang mag-utol gamit ang isang carbine rifle.

Nirespondehan ni Myko ang mga kapatid ngunit pinatay din siya ng suspek.

National

Akbayan Party-list, nagpahayag ng suporta sa impeachment laban kay VP Sara

Samantala, sugatan din sa pamamaril ang pitong taong gulang na anak ni Myko na si Mark.

Alitan sa lupa ang tinitingnang motibo sa pamamaslang.

Binalaan naman ng pulisya ang publiko na delikado at armado si Pablo at sangkot din ito sa isa pang kaso ng murder sa bayan ng Glan noong nakaraang taon.

-Joseph Jubelag