SA tuwing sasapit ang Bagong Taon ay nagsusulputan ang sari-saring hula o prediksiyon sa mga showbiz personalities.

John Lloyd Cruz copy

May isang nanghula na magbabalik-telebisyon at pelikula na si John Lloyd Cruz ngayong taon, matapos ang mahigit isang taong pamumuhay bilang ordinaryong mamamayan.

Puwedeng biglaan ang kanyang comeback, tulad ng ginawa niyang biglaan ding leave of absence.

Janno Gibbs nakikipogi kina Paulo Avelino, Aga Muhlach

Isa itong prediction na hindi kagulat-gulat, dahil ano nga naman ang gagawin ni Lloydie for the rest of his life, he’s too young to retire sa pagganap.

Furthermore, mapapansing hindi na sila ng girlfriend niyang si Ellen Adarna ang target ng bashers these days. At kapag hindi ka na pinag-uusapan, eh that’s something for a celebrity to worry about.

Totohanin mo na, John Lloyd, ang hula bago tuluyang mawalan ng interes ang publiko sa kahusayan mo bilang aktor.

-REMY UMEREZ