MARAMING nagulat sa tweet ni Angelica Panganiban noong isang umaga. Sabi niya: “Gusto kong mag-asawa this year.”

Angelica copy

Feeling ng mga fans ni Angelica at ng dating boyfriend na si Carlo Aquino, ay ang aktor ang pinatatamaan ni Angelica. Dahil last Christmas, nag-post pa si Angelica ng picture na kasama nila ng kanyang pamilya si Carlo na nag-Pasko sa kanilang tahanan.

Pero nalungkot din ang fans dahil walang reaksiyon si Carlo sa naturang tweet ni Angelica. Right time na raw naman ni Angelica na lumagay sa tahimik, okay lang na gusto na niyang magpakasal dahil 32 years old na ang aktres.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Nabalita na rin kasi na ang dati ring boyfriend niyang si John Lloyd Cruz ay ikinasal na sa girlfriend nitong si Ellen Adarna noong December 23, kasabay ang binyag ng kanilang baby boy.

Natawa rin naman si Angelica nang sundan niya ang nasabing tweet: “Parang ice cream lang ang hiningi ko, noh!”

Sinagot naman kaagad ito ng kanyang best friend na si Glaiza de Castro: “Meron sa ref...”

Sumagot din ang kaibigan ni Angelica na si Marvin Agustin: “Oh my, natawa at kinilig naman ako sa gusto mo this year. Pero puwede ‘yan na parang ice cream, lalo na kung ready na ready ka na! I’ll be very happy for you, Baby Angel if ever...”

Siyempre pa ay natuwa ang mga fans nina Angelica at Carlo, at tweet din nila, ipagdarasal nilang magkatotoo ang wish ni Angelica.

Dasal din nila ay muling magtambal sa isang movie o isang teleserye ang kanilang mga idolo.

-NORA V. CALDERON