NARIRITO ang huling tatlong 2018 Metro Manila Film Festival entries na pinanood at ginawan ni Ogie Diaz ng mini-review. Sinipi namin ang mga ito sa kanyang Facebook posts upang magsilbing guide ng moviegoers na nagbabalak manood. Una naming inilabas ang lima, naririto ang tatlo pa: “Boring daw. Hindi naman daw horror. Suspense thriller daw pero hindi naman daw masyado.

Nakatulog daw sila. Nakakaantok daw. ‘Yan ang naririnig ko nu’ng hindi ko pa napapanood ang Aurora ni Anne Curtis-Smith. Until I finally saw it. Hindi man nila na-achieve na matakot ako o kahit mapaangat sa upuan sa takot; hindi ko man mai-cover ang mukha ko dahil nate-tense ako sa susunod na mangyayari, siniguro ko na kumpleto ang tulog ko para ‘di ako makatulog habang nanonood. Dahil sa feedback na nakukuha ko, siniguro kong no expectations on my part. Kaya handa ako bago magsimula ang movie.

‘Yung p o s i t i v e s i d e n a lang ng movie ang isi-share ko sa inyo. Na-achieve naman ‘yung color grading ng texture ng movie. Mahusay si Direk Yam Laranas sa kanyang shots. Mahusay si Anne, pati ang batang si Rita (Phoebe Villamor). Ginulat naman ako ni Marco Imperial Gumabao sa eksena niyang bumunggo ang mukha niya sa ilalim ng dagat. Walang intensiyon ang Aurora na gayahin ang makasaysayang Titanic, pero, at least, they have tried another version.

At dahil mahal ko sina Anne at Marco at ibinigay naman ng production staff at mga artista ang kanilang best, sa 10 hearts, ang ibibigay ko sa Aurora ay ANIM. Alin ba ang mas matimbang? Ang puso o ang kapatid?

Musika at Kanta

Marko Rudio, kampeon sa TNT: All-Star Grand Resbak 2025 Huling Tapatan

Ang tanong na ‘yan ay sinagot nina Toni Gonzaga at Alex Gonzaga sa kanilang pag-ibig kay Sam Milby sa Mary, Marry Me.

Kung ibang artista ang isa kina Toni at Alex, baka mas maramdaman namin ang tensiyon at sorpresa bilang manonood. Kasi nangingibabaw sa akin ang fact na magkapatid naman talaga sila sa tunay na buhay, kaya parang hindi na challenging sa kanila ang kanilang role.

Pero in fairness, ibinigay naman nina Toni at Alex ang kanilang best, kaya keri na rin. Maganda naman ang story, in fairness. At hindi nakakainip ang pelikula, kaya ang ibibigay ko out of 10 ay SEVEN HEARTS. Napanood ko na rin ang One Great Love nina Kim Chiu, Dennis Trillo at JC de Vera. Maganda ang shots ni Direk Enrico Quizon, dahil ang dami ng location, ‘di tinipid. Nalaro niya lahat.

Mahusay dito si Kim Chiu although nakita ko na rin ang ganu’ng akting niya sa mga teleserye niya. At in fairness, ramdam ko naman siya. Mahusay si Dennis dito pero para sa akin (opinyon ko lang naman), mas mahusay si Eddie Garcia sa Rainbow’s Sunset o si Jericho Rosales sa The Girl In The Orange Dress. But I respect the jurors’ decision na si Dennis ang tinanghal nilang Best Actor. Sana, napakapal pa ang kuwento para ‘di ito ‘yung tipikal na istoryang napapanood nating madalas sa mga teleserye ng pag-ibig. But in fairness, naintindihan ko naman ang kuwento at naawa rin naman ako kina Kim at Dennis na biktima lang naman ng pag-ibig.

Anyway, dahil mahal ko si Kim, mahal ko si Direk Kaizz, mahal ko si Manay Gina Marissa Tagasa, mahal ko ang producers na sina Lily Monteverde at Roselle Monteverde, bibigyan ko ang One Great Love ng SEVEN HEARTS.

May post din si Ogie tungkol sa mas mababang box office takes ng mga pelikula ngayon kumpara noong nakaraang taon. Magaganda ang analysis at suggestions, tatalakayin din namin ito sa mga susunod na isyu. Sa kabila ng maraming problemang sinagupa natin hindi lang sa industriya kundi maging sa personal at lipunan -- at bumagyo pa, harapin nating may taimtim na panalangin at pag-asa ang papasok na taon. Happy New Year!

-DINDO M. BALARES