SA taong ito, walang dudang iisa ang sigaw ng buong Pilipinas tuwing Linggo ng gabi: “I-KMJS na ‘yan!”

Jessica Soho copy

Kaya bago matapos ang 2018, babalikan ng Kapuso Mo, Jessica Soho ang ilang istorya nito na talaga namang pinag-usapan at naging trending!

Muling maantig sa istorya ng Belgian national na si Caroline Van Gils, na hinahanap ang Pilipinang ina na nagpaampon sa kanya mahigit tatlong dekada na ang nakararaan.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Maninindig muli ang inyong balahibo sa misteryosong batuhan ng bato sa Cabanatuan City, Nueva Ecija na nagpakontrobersyal sa nagsiyasat ditong paranormal investigator, si Ed Caluag.

Pasyalan din uli ang napakagandang isla ng Balabac sa Palawan.

Kung travel goals naman ang hanap, muling balikan ang biyahe ng KMJS sa Iceland! At siyempre, puwede muling sumama sa paglipad ng KMJS team sa Turkey!

Abangan lahat ng iyan sa Kapuso Mo, Jessica Soho bukas, December 30, sa GMA-7.