ALAGANG-alaga ng Viva Films ang contract star nitong si Marco Gumabao, na pambato nito for stardom sa 2019.

Untitled-1 copy

Tatlong pelikula ang magkakasunod na ginawa ni Marco, ang Abay Babes, Para sa Hopeless Romantic, at ang entry sa 2018 Metro Manila Film Festival (MMFF) at showing ngayong Aurora.

No regrets para kay Marco ang paglipat niya sa Viva para mag-manage ng kanyang showbiz career. Six years na siya sa showbiz at ngayon lang daw siya naging super busy. Sobrang grateful si Marco sa Viva sa pagtitiwala sa kanya.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

At lalong hindi inakala ni Marco na makakapareha niya si Anne Curtis—ang bida ng Aurora—na noon pa niya pinangarap makatrabaho. Ang Aurora ay isang horror thriller, sa direksiyon ni Yam Laranas. Sa pelikula, ex-boyfriend siya ni Anne na ang misyon ay hanapin ang mga bangkay na lumubog kasama ng barkong Aurora.

Isa pang pelikulang katatapos lang gawin ni Marco ay ang Ulan, kasama si Nadine Lustre.

-REMY UMEREZ