Sugatan ang pito sa 60 pasahero ng isang pampasaherong bus nang tumaob ito sa Aguinaldo Highway sa Barangay Sampaloc 1, Dasmariñas, Cavite, nitong Linggo ng hapon.

Sa ulat ng Cavite Police Provincial Office, nakilala ang mga nasugatan na sina Dolores Jimenez Flores, 67; Renato Valero, 66; Victoriana Valero, 66; Rolando Lacap, 68; Norma Lacap, 66;

Florito Toling, 43; at isang “AJ”.

Nasaktan naman sa insidente ang 53 pang pasahero, ngunit ligtas na ang mga ito, ayon sa pulisya.

National

VP Sara sa kaniyang plano sa politika: ‘It is always God’s purpose that shall prevail!’

Sa report ng mga awtoridad, binabagtas ng bus, na minamaneho ni Guillermo Ojales Caymo, 42, ang Aguinaldo Highway sa Bgy. Sampaloc nang mangyari ang insidente, dakong 2:30 ng hapon.

Sa imbestigasyon, sumalpok ang bus sa center island at sa poste ng ilaw bago ito tumaob.

Depensa naman ni Caymo, nagulat siya nang mawalan siya ng kontrol sa minamanehong bus matapos siyang magpreno dahil na rin sa lakas ng ulan at madulas na kalsada.

Napinsala naman sa insidente ang kotseng minamaneho ni Kristopher Rey Javen Acantilado, 34, ng Greenpark Villas Subdivision, Imus, Cavite.

-Anthony Giron