IPINOST lang ni JM de Guzman ang poster ng 2018 MMFF entry nina Jericho Rosales at Jessy Mendiola na The Girl in the Orange Dress ay isyu na agad sa fans, na hindi pabor sa ginawa ni JM.

May caption na “stig” (astig) ang nasabing post ni JM, at tinag pa niya ang producer ng movie na si Atty. Joji Alonso, at may mga reaction na agad ang fans.

May nag-comment na pinalalayo si JM kay Jessy para raw sa kapayapaan ni JM, pero mas marami ang pumabor sa ginawa ni JM. Pasko na nga naman bukas, hindi ba puwedeng puro positive na lang ang i-comment ng netizens?

Sabi pa ng supporters ni JM, matagal nang tanggap ni JM na masaya si Jessy sa piling ng BF nitong si Luis Manzano, kaya walang isyu roon.

Tsika at Intriga

Doc Willie tapos na sa 1st round ng chemo: 'Pasensya na wala na 'kong buhok...'

Happy din naman si JM sa buhay at career niya. Ang dami niyang naka-line up na projects sa pelikula at telebisyon, kaya walang dahilan para gamitin niya si Jessy para magkaroon siya ng projects.

Saka, si Jessy ang unang nagsabi sa interview sa kanya sa promo ng The Girl in the Orange Dress na given the chance at kung okay na ang lahat, baka puwede silang magkatrabaho uli ni JM.

-NITZ MIRALLES