MARAMING nalungkot, may mga nagtanong din nang makita ang wedding ni Lotlot de Leon sa Lebanese husband niyang si Fady El Soury, dahil hindi sumipot ang Mommy ng bride na si Ms. Nora Aunor. Present ang kanyang Daddy na si Christopher de Leon kasama ang family nito.

Kaya minabuti na rin ni Lotlot na magsalita na tungkol sa mga tanong na gustong masagot, sa isang post niya sa .

“Maraming beses ko pinag-isipan kung dapat pa ba akong magsalita tungkol sa mga personal na nangyayari sa amin ng mommy ko. Naisip ko na siguro dapat hindi na dahil may masabi man ako na maganda ay hahanapan pa din ako ng pagkakamali pero naisip ko na hindi ko naman ito ginagawa para sa iba kundi para sa akin at sa aking ina.

“Maaga kong nalaman na ampon ako, ‘ampon ni Nora’, yan ang madalas ko naririnig noon. Utang na loob ko ang buong buhay ko sa kanila ni Lola (Tunying). Sa mga hindi nakakaalam, ang tumanggap sa akin ay ang lola ko, siya ang dahilan kung bakit napunta ako sa kanila. Tinanggap nila ako nang buong puso.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

“Nang magkakilala sina Mommy at Daddy (Christopher), inako ako ng Daddy ko at ginawang De Leon. Ang mommy ko ang bread winner sa pamilya; nagsumikap na iahon lahat ng mahal niya sa buhay. Nakasanayan naming magkakapatid na lagi siyang nagtatrabaho.

“My mom has been through a lot in her life. Nakita ko at witness ako sa lahat ng pinagdaanan niya. Matibay siya. Kahit kailan hindi niya ipinakita sa aming magkakapatid na nawalan siya ng pag-asa sa buhay kahit alam namin na nasasaktan siya.

“She is the most generous person I know. Pagdating sa relasyon namin sa kanya, Mommy siya. She tried her best to do her duties as a present mom. Nung nagkapamilya ako tsaka ko lang naintindihan ang mga payo at sakripisyo na ginawa din niya. Kaya lahat din ng kaya ko, binigay ko. Lagi niyang bilin magmahalan kaming magkakapatid at ‘yun ay ginawa ko sa abot ng aking makakaya.

“Hindi ko na idedetalye ang mga kaganapan sa buhay namin. Pero kung may tao mang importante na gusto ko rin maging bahagi sa mahahalagang okasyon sa buhay ko at buhay ng mga anak ko, ay siya.

“May mga bagay na mahirap ipaliwanag pero sa isang parte lang ako sigurado. Mahal ko siya at alam ko mahal niya din ako, kami ng mga kapatid ko at siya, at walang sino man ang makapagpapabago doon.”

Dumating lahat ng mga kapatid ni Lotlot, sina Ian, Matet, Kiko at Ken. Lahat sila ay mga De Leon din.

“We are and always be bonded by love. I can never imagine my life without all of you. I will never stop loving and just being your ate even when we are all old and gray... hanggang sa tayo na ang mga magkaapo.

”It was a roller coaster ride for us but we never let go of each other and never will. Unconditional love is what we have. I love you, Ian, Matet, Kiko and Ken! Thank you for being there for me.”

Dumating din from the USA ang mga biological sisters ni Lotlot.

-NORA V. CALDERON