Anim na umano’y tulak ng ilegal na droga ang magkakasunod na tumimbuwang sa operasyon ng mga awtoridad kontra-droga sa Nueva Ecija, kamakailan.

Sa ulat na natanggap ni Senior Supt. Leon Victor Rosete,

Acting Nueva Ecija Police Provincial Office director, nakilala ang mga napatay na sina Fernan Mactal, ng Barangay Pambuan, Gapan City; Christopher Clarence Daus Rivera, 32, ng Bgy. Mabini Homesite, Cabanatuan City; Mancio Sison, 35, ng Cabanatuan City; Wilson Guevarra Dela Cruz, 32, ng Bgy. Casile, Llanera, Nueva Ecija, at dalawa pang hindi nakikilala na umano’y drug pushers.

Ayon kay Cabanatuan City Police chief Supt. Ponciano Zafra, nakasagupa ng kanyang mga tauhan si Mactal nang manlaban umano ito sa buy-bust operation sa Saint Joseph Street, Bgy. Zulueta, dakong 4:15 ng umaga.

Internasyonal

Joe Biden kay Kamala Harris: ‘Her story represents the best of America’s story’

Naka-engkuwentro naman ng mga tauhan ng Talavera Police ang dalawang hindi pa nakikilalang suspek sa Bgy. Bacal III, dakong 10:36 ng gabi.

Napaslang si Sison sa Bgy. San Fernando, Cabiao, at nakuhanan umano ng isang .38 caliber revolver at 12 plastic sachet ng shabu.

Habang sina Rivera at dela Cruz ay nasawi nang manlaban umano sa mga awtoridad sa bayan ng Llanera nitong Miyerkules.

-Light A. Nolasco