MAGANDA ang samahan ng kapwa mahusay na young actress na sina Therese Malvar at Kyline Alcantara. Nagsimula na kasi silang mag-taping ng first team-up teleserye nilang Inagaw Na Bituin.

Kyline at Therese copy

Kamakailan, nag-enjoy sila sa recording ng theme song ng kanilang serye para sa Afternoon Prime ng GMA 7, na mapapanood na early 2019. Ako’y Isang Bituin ang title ng song.

Mukhang hindi lang labanan sa acting ang teleserye na magtatampok din kina Sunshine Dizon at Angelika dela Cruz, kundi pati sa pagkanta, dahil pare-pareho silang mahuhusay kumanta.

Tsika at Intriga

Mark Andrew Yulo, naniniwalang babalik sa kanila ang anak na si Carlos

Si Direk Mark Reyes daw ang nag-decide na dapat ay silang apat ang kakanta ng mga songs na gagamitin sa drama series, na papalit sa My Special Tatay.

Kaya naman sina Sunshine at Angelika, kailangan daw nilang i-polish ang boses nila para hindi sila m a p a h i y a sa dalawang young actress na gaganap na mga anak nila sa story.

Kaya kahit nga malapit nang mag-Pasko, tuluy-tuloy pa rin ang taping nila bago ang Christmas break ng GMA next week.

Makakasama rin nila sa serye sina Marvin Agustin, Jackielou Blanco, Gabby Eigenmann at marami pang iba.

-Nora V. Calderon