MAY tsansa si Pinoy Aston Palicte na makahirit sa bakanteng WBO super flyweight title matapos ipagutos ng World Boxing Organization (WBO) na harapin bilang contender sa mamanalo sa eliminator sa pagitan nina No. 1 contender Donnie Nietes at No. 3 ranked Kazuto Ioka ng Japan sa Disyembre 31 sa Macao, China.

Isang source mula sa kampo ni Jose Martinez ng Puerto Rico na lumagda na sa kontrata sina Palicte at Martinez para magharap sa Enero 24 sa Las Vegas, Nevada sa United States.

Kontrobersiyal na nagtabla sina Nietes at Palicte sa kanilang sagupaan noong setyembre 8 sa Forum, Inglewood, California bagamat maraming nagsasabing dapat nagwagi ang boksingerong binansagang “Ahas” dahil nadominahan niya ang kababayang si “Mighty” lalo sa huling dalawang rounds.

Naghahanda ngayon si Palicte na harapin ang walang talong si Martirez bagamat naniniwala siyang patutulugin ang boksingero ni dating WBO welterweight champion Miguel Angel Cotto.

Putol na ang sumpa! UST tinapos na ang 9 taon losing streak sa Ateneo

May rekord si Palicte na 24-2-1 win-loss-draw na may 20 panalo sa knockouts kumpara kay Martinez na may kartadang 20-0-2 na may 13 pagwawagi sa knockouts.

-Gilbert Espeña