MATUTULOY na ang pagsasama sa telebisyon nina Gabby Concepcion at Jennylyn Mercado dahil nagkaroon yata ulit ng nag-storycon para sa project ng dalawa. Pagkatapos ng storycon ay may title na ang pagsasamahang proyekto ng dalawa sa GMA-7.

Jennylyn at Gabby

May pamagat na Luv U 2 ang teleserye nina Gabby at Jennylyn at sa title pa lang, alam nang rom-com series ito. Kung may drama man, hindi siguro heavy, pero malay natin, dahil pagdating sa teleserye at pelikula ay may kasabihang “do not judge by its title.”

Nakakatuwa lang na kahit kulang pa sa detalye at wala pa ngang formal announcement tungkol sa project nina Gabby at Jennylyn, ay excited na ang kani-kanilang fans na mapanood sila. Nangako rin silang susuportahan ang Luv U 2 kapag nagsimula na ang airing sa 2019.

Tsika at Intriga

Chloe San Jose, mas pinipiling maging 'authentic' na tao kaysa people-pleaser

-Nitz Miralles