MANAOAG, Pangasinan – Nailigtas ng mga awtoridad ang 16 na umano’y sex worker nang salakayin ang isang videoke bar sa Manaoag, Pangasinan, kamakailan.

Sa ulat ng Pangasinan Police Provincial Office, sinalakay ng mga tauhan ng Manaoag Police ang Meeting Place videoke bar sa Barangay Baritao, at nasagip ang 16 na babae, na karamihan ay menor de edad.

Sinampahan na ng kasong human trafficking ang mga may-ari ng bar na sina Reinaldo Maunahan, 57, ng Manaoag, Pangasinan; at Louie Macatulong, 30, ng CA Road, Las Piñas City.

Isinagawa ang pagsalakay matapos makatanggap ng reklamo ang pulisya kaugnay ng umano’y pag-o-operate ng sex den nina Maunahan at Macatulong.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

-Liezle Basa Iñigo