LALAHOK ang Pilipinas sa pamamagitan ng Kickboxing Association of the Phil (KAP) kilala ring International Muay Thai Fed - Phil (IMTF-PHIL) sa 16th WMF-World Muay Thai Championships sa Marso 12-22 sas The Bazaar Bangkok, Thailand.

Ang delegasyon ay pangungunahan ni acting Aurora Province Vice Governor Atty. Christian Noveras kasama si Rolando Catoy, WMF National Representative, Wilson Oropilla bilang team manager, assistant manager naman si Edgardo Geneta at Mr. Gabriel Nadiahan bilang media o magko cover ng laro.

Tatayong coach at trainer ang dating Muay Thai at kickboxing champion Allan Visperas ng mga pambatong Muay Thai fighter na sina Arjay Visperas 48kgs, Jervie Tiongco 51kgs, Jervin Tuazon 67kgs at nag-iisang babaeng si Krisna Limbaga, 51kgs na kakatawanin ang Aurora Province sa prestihiyosong torneo.

Sinungkit ni Jervie Tiongco ang gold medal sa 51kgs noong nakaraang 15th WMF World Muay Thai Championships nang talunin niya ang pambato ng Russia sa pamamagitan ng knockout matapos tamaan ng roundhouse kick sa panga ang Ruso sa 3rd ng kanilang final round.

Romualdez, pinasalamatan tennis player na si Alex Eala

“Sisikapin kong manalo ulit ng gold sa darating na World Championsips” ani Tiongco