Hindi magiging malaki ang epekto sa bansa ng nakaambang pagtataas sa presyo ng petrolyo sa 2019, ayon sa Department of Energy (DoE).

Ayon sa DoE, hindi umano tataas nang sobra ang presyo ng mga produktong petrolyo sa bansa, sa kabila ng nakatakdang production cut ng Organization of Exporting Countries (OPEC) at mga kaalyadong bansa sa Enero hanggang Hunyo 2019.

Sinabi ni Assistant Secretary Rodela Romero, ng Oil Industry Management Bureau (OIMB) ng DoE, walang dahilan at walang magbabagong factor, gayundin ang foreign exchange, na makaaapekto sa supply ng petrolyo, kaya hindi sisirit ang pandaigdigang presyo nito.

Matatandaang matinding pinangangambahan ng mga consumer, partikular sa mga motorista, ang muling pagsirit ng presyo ng mga produktong petrolyo sa 2019, makaraang bawiin ng gobyerno ang suspensiyon ng pagpapataw ng P2 excise tax sa kada litro ng produktong petrolyo.

ALAMIN: Pagbabago sa holiday schedule sa ilang public transportation sa Metro Manila

-Bella Gamotea