MABUTI na lang at pumuwesto kami sa bandang unahan ng stage ng Smart Araneta Coliseum sa ginanap na Family is Love: The 2018 ABS-CBN Christmas Concert dahil kung nasa bandang likod kami ay wala kaming maririnig kundi ang malalakas na hiyawan mula sa mahigit 10,000 supporters ng mga sikat na artista ng Kapamilya network.

ABS CBN CONCERT 1

Kung may pakontes ng led banners para sa mga sikat na love teams at artista ay mahihirapang pumili ng mananalo ang pamunuan ng ABS CBN sa rami at gaganda ng designs tulad ng KathNiel, LizQuen, DonKiss, JaDine, MayWard, Vice, JoshLia, McLisse, Loisa – Ronnie, Coco Martin, at iba pa.

Sobrang nalula kami sa rami ng artistang kasama sa Christmas concert ng ABS-CBN na pawang mga sikat, huh? At partida, ‘yung may mga existing shows lang ang nag-participate, paano pa ‘yung mga walang programa na base sa pagkakatanda namin tulad nina Shaina Magdayao, Julia Montes, Billy Crawford, Coleen Garcia, Denise Laurel, Sylvia Sanchez, Coney Reyes, Ria Atayde, Maricar Reyes, marami pang iba.

Tsika at Intriga

Olats sa politika: Luis, nagtanong alin sa shows niya trip ibalik ng netizens

ABS CBN CONCERT 2

Sa sobrang dami ng artista ng Dos ay hindi lahat nabibigyan ng programa na ang katwiran naman sa amin ng mga bossing ay kung sino ang kumikita ang mas binibigyan ng prioridad, tama rin dahil negosyo pa rin ang pinag-uusapan.

Kung tama kami ay umabot sa tatlong oras ang concert at world-class talaga ang lahat ng production number na kaya pala inggit na inggit ang taga-GMA 7 na nakita naming nanood din, ha, ha, ha. Huli!

Sabi sa amin, “ang galing talaga ng ABS gumawa ng shows, grabe, biruin mo, ang lalaki lahat ng performers at lahat ‘yan naglaan ng oras para sa rehearsals nila considering with their busy schedules dahil lahat sila halos may teleserye, ‘di ba?”

ABS CBN CONCERT 3

Tinanong namin kung kumusta naman ang GMA Christmas concert nila, “hayun, nakunan na, okay lang, waley lang. Kaloka, huwag mo na ikumpara, waley nga,” tumawang sabi sa amin.

Anyway, maraming nagulat sa walang humpay na nakakabinging sigawan nang lumabas sina Tony Labrusca at Angel Aquino na bida sa digital film na Glorious. Grabe, parang bagets lang ang dalawa, huh? Lumebel talaga sa KathNiel?

Iba ang nagawa ng Glorious kina Angel at Tony na hanggang ngayon ay bukambibig pa rin ang pangalan ng dalawa at bagay na bagay silang loveteam.

ABS CBN CONCERT 4

Hmm, bakit hindi bigyan ng follow-up movie sina Angel at Tony na mala 50 Shades of Grey, puwede ‘di ba, ateng Jet?

Sa rami ng singers na nagperform ay hindi na namin sila papangalanan dahil baka may malimutan kami, pero lahat sila, ang gagaling, lalo na ‘yung performance nina Moira at Sarah Geronimo na Tagpuan, ang ganda ng pagkakanta nila.

Isa pang nag-marka sa aming production number ay ng buong cast ng FPJ’s Ang Probinsyano, grabe, ang dami-dami nila at by group ha, mula sa mga bata, kontrabida, sidekick, pamilya at mga kakampi ni Cardo Dalisay. Parang umabot sa 30 minutes ang prod ng grupo, huh? Bentang-benta ang Papaya Dance nila sa pangunguna nina Eddie Garcia, Edu Manzano, Jhong Hilario at Ms Susan Roces.

At siyempre hindi naman nagpa-kabog ang Unkabogable Phenomenal Star na si Vice Ganda kasama sina Chocoleit at Juliana para sa promo ng Fantastica na mapapanood sa December 25 na entry ng Viva Films at Star Cinema sa 2018 Metro Manila Film Festival.

Hiyawan ang lahat kasama na ang buong production ng ASAP sa adlib ni Vice, “ang ASAP ay SOP na rin.” Dahil nga halos lahat ng mga taga SOP ay napapanood na sa ASAP.

Masaya at sobrang aliw ang Family is Love: The 2018 ABS-CBN Christmas Concert na mapapanood na sa December 15 at 16 sa Channel 2.

-Reggee Bonoan