SUNUD-SUNOD na naman ang pagpo-post ni Kylie Padilla ng prenup photos nila ni Aljur Abrenica, pero wala pa ring sinasabi kung kailan at kung saan ang kanilang kasal. Kaya naman abang na abang ang fans ng dalawa kasi nga hindi natuloy ‘yung original schedule ng kasal na November 18.

Ruru at Kylie

Speaking of Kylie, nag-storycon na sila ni Ruru Madrid para sa political rom-com series na pagtatambalan nila sa GMA-7. May pamagat na TODA One I Love. Makakasama nila sa serye sina Gladys Reyes, Maureen Larrazabal, Jackie Rice, Buboy Villar, Cai Cortez, David Licauco, Kimpoy Feliciano at Tina Paner. Kasama rin sina Victor Neri at ang nagbabalik Kapuso Network na si Raymond Bagatsing.

Samantala, kinakiligan ng shippers nina Ruru at Kylie ang tweet ni Ruru na: “Abangan! Hindi na ko makapag-antay na makatrabaho kang muli Mahal kong Hara! @kylienicole.”

Tsika at Intriga

Nadia Montenegro sa paglaya ni Ricardo Cepeda: 'Finally, an innocent man is free!'

Nakakatuwa rin na pinasalamatan ng fans nina Ruru at Kylie si Aljur sa pagpayag na muling magtambal sina Ruru at Kylie. Malaking bagay sa fans na muling mapanood ang tambalan ng dalawa kahit for reel lang, dahil si Aljur ang “real” ni Kylie.

Sa first quarter ng 2019 ang airing ng TODA One I Love na produced ng GMA Public Affairs para sa GMA-7.

-NITZ MIRALLES