AWARDS-GIVING time at sunud-sunod ang mga award-giving bodies sa pagbibigay na kani-kanilang awards sa mga artista at iba pang celebrities.

Jennylyn

Hindi nagpahuli rito ang ultimate actress ng GMA Network na si Jennylyn Mercado dahil magkasunod siyang tumanggap ng awards nitong nakaraang linggo. Una ay sa Comguild Awards kung saan pinagkalooban siya ng Female Endorser of the Year.

Nagpapahayag naman ng galak si Jennylyn sa pagkakatanggap ng award sa kanyang social media account: “Maraming Salamat Comguild! I’d like to thank the brands that share the same advocacy that I have, to empower women and believe that we are strong, we are beautiful, and we can conquer everything. Sa lahat po ng bumubuo ng Comguild at sa lahat ng walang sawang sumusuporta at nagmamahal, para po sa inyo ito. Maraming salamat po. #femaleendorseroftheyear”

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Ibinahagi naman ni Jennylyn kay Direk Mark Reyes ang natanggap na award bilang Best Actress para sa seryeng The Cure, dahil ito ang nagdirek ng serye. Ang parangal ay mula sa Overseas Filipino Workers’ Choice Awards ng 8th KAKAMMPI OFW Gawad Parangal.

Samantala, isa pa sa achievements ni Jennylyn ang pagkakaroon ng kanyang chunky dough cookies business sa Beijing, China. Nag-post kasi ang member ng @globaljennylinias na may ganoong cookies na sa China.

Sa ngayon, ang pinaghahandaan ni Jennylyn ay ang unang romantic-comedy series project na pagtatambalan nila ni Gabby Concepcion sa GMA 7 at ang pelikula na gagawin niya sa ilalim ng Star Cinema.

-Nora V. Calderon