KABABAYAN ko sa Bula, Camarines Sur si Jericho Rosales na kahit ilang taon lang namirmihan doon, sa Metro Manila na siya nagbinata, never nakalimutan na nandoon ang ugat niya. Ang kadalasang tanong ng mga kalugar namin tungkol sa kanya, kung marunong pa raw bang magsalita ng native tongue si Echo.

Jericho

Kung wala r i n lang ibang nakikinig, sa Rinconada dialect lagi ang interbyuhan namin. Pero hindi lang sariling wika ang hindi niya kinakaligtaan, pati na ang napakasayang childhood niya sa gitna ng mga bukirin at ang paliligo sa irrigation.

Walang grand illusion si Jericho. Nanggaling sa ibaba na kahit nakaakyat sa itaas, marunong pa ring lumingon. Superstar ang role niya sa The Girl in The Orange Dress na pinagtatambalan nila ni Jessy Mendiola, kaya main topic sa grand presscon nila earlier this week ang buhay-artista at kasikatan.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Nabanggit ni Jessy na muntik na siyang umalis sa showbiz pero saka naman dumating ang project ni lang ito ni Jericho. Umamin si Echo na tulad ni Jessy, naging reluctant din siya sa showbiz noong baguhan pa siya.

“Pero malaki ang suweldo ng mga artista kaya ipagpapatuloy ko ito,” pabirong pahayag ni Jericho. “I’m very grateful because dati rebelde talaga ako. As an actor I wanna leave a legacy, I wanna be able to say I helped an actor. I wanna able to say I helped the industry kahit na hindi malaman ng tao kung ano ang ginagawa ko sa set o kung sino ang kinakausap ko para may change na mangyari. I just wanna be able to say to myself na, hey, I was able to help somehow.

“Let’s face it, the industry has many problems but it’s being ignored. So, ‘yon... so, ngayon natuto na ‘ko na mahirap maging one-man band o one-man team. Kaya na-realize ko na lang din na, okay,

I am here because I need to inspire people, because I need to, you know, do my thing and be happy with my job. “Pero I am glad that I’m back, hindi ako tumigil, kasi no’ng time na ‘yon talaga binitiwan ko lahat.”

Kumpara noon, komportable na ba siya ngayon sa fame? “Siyemre ngayon I know that it’s a tool that I can use to my advantage, to create more movies, t o b e working with producers, d i r e c t o r s a n d actors. It influences power. At sabi nga, great power comes with great responsibility.

For me, it’s a tool para maabot ang mga pangarap ko. I wanna be able to tell beautiful stories, funny stories, inspiring stories. Siyempre inaalagaan ko ‘yan. “At the end of the day, it’s a business, but

I’m in the business of inspiring p e op l e and s h a r i n g hop e , something I will never forget. “Before parang nabubuwisit lang ako kasi wala... bata ako, ‘di ba? Impulsive ako, nabubuwisit talaga ako. Parang... Mr. Pogi lang naman ako dahil wala akong pera, eh, parang gano’n, ‘di ba? ‘Tapos biglang lahat na ng breaks nandiyan na. ‘Tapos minsan ayaw mo nang magtrabaho, gusto mo lang matulog.

“Sorry. But I’m grateful now for everything. You can only have so much pagdating sa mga... nami-miss ko na maging normal na tao. I experience that when I come home. Pag-uwi ko, I’m a normal person, I’m a husband, I clean the garage, I clean my room, I clean everything and I do enjoy those moments.

“My prayer almost everyday is that, you know, fame does not get into my head. Kasi wala... if it happens, it will be the end of my career.”

Official entry ng Quantum Films ang The Girl In The Orange Dress mula sa direction ni Jay Abello

-DINDO M. BALARES