KINIKILALA ni Regional Development Council (RDC) 7 (Central Visayas) co-chair of the Regional Development Council (RDC) 7 (Central Visayas) Kenneth Cobonpue ang planong “pedestrianization” ng mga kultural at makasaysayang lugar sa lungsod ng Cebu, na malaking tulong umano sa pagsusulong ng imahe ng lungsod gayundin ang lokal na ekonomiya nito.

Sinabi ni Cobonpue, kilalang furniture designer sa mundo, na ang plano ng National Economic and Development Authority (NEDA) 7) na ipagbawal ang mga sasakyan sa sentro ng lungsod na magdudulot ng malaking pagbabago sa mga lansangan nito, na naging makipot at masikip dulot ng matinding trapik sa lugar.

“Almost every city in Europe adopts an area, where vehicles are off limits and the people are just walking from one point to another,” pahayag niya sa isang panayam, nitong Miyerkules.

Ibinahagi rin niya na ilang malalaking siyudad sa Asya ang nagbabawal ng mga sasakyan, katulad ng Shanghai shopping centers na may ilang bahagi na bawal ang mga sasakyan.

“That’s their main shopping center. If ever implemented here, both locals and tourists will just walk and shop in malls that are just found along the road,” paliwanag ni Cobonpue.

Ipinunto rin niya na ang pagbubukas ng mga lansangan para lamang sa mga pedestrian ay magsusulong sa lokal na turismo.

Aniya, ang mga pasyalan at daanan ay isa nang maituturing na atraksiyon.

“Time will come that the people will feel there is no more need for cars in visiting these (pedestrianized) areas,” dagdag pa niya.

Naniniwala ang RDC-7 co-chair na bagamat hindi maisasakatuparan ang plano ng isang gabi lamang, matututunan din ng mga tao na makisabay sa bago, at kalaunan ang pedestrianization ay magiging paraan na rin ng kanilang pamumuhay.

Sa isang kumperensiya nitong Martes, sinabi ni NEDA-7 Regional Director Efren Carreon sa mga mayor at iba pang opisyal ng pamahalaan na ang kanyang opisina ay nagsasagawa ng isang pag-aaral na layong i-pedestrianize ang mga kultural at makasaysayang bahagi ng lungsod bilang isa ring paraan upang malunasan ang tumitinding trapik sa lugar.

Sa isang panayam, sinabi ni Carreon sa Philippine News Agency (PNA) na kasalukuyan nang nasa procurement stage ang NEDA-7 para sa pagkuha ng grupo ng magsasagawa ng pag-aaral.

“Consultants will come from within (the Philippines),” ani Carreon. “We are about to award the contract.”

Gugugol ang nasabing pag-aaral ng P3.5 milyong, aniya.

PNA